top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ninakawan habang tulog, pahiwatig ng pagkalugi sa negosyo

BULGAR
Jul 2, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 2, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Salvador ng Surigao.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan, gayundin ang mga mahal mo sa buhay.


Napanaginipan ko na ninakawan kami rito sa bahay. May umakyat na magnanakaw habang natutulog kami nang mahimbing. Galit na galit ako sa kapitbahay namin dahil siya ang pinagbintangan kong nagnakaw sa amin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Salvador


Sa iyo, Salvador,


Hindi maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na ninakawan kayo habang natutulog dahil ito ay nagpapahiwatig ng pagkalugi sa negosyong pinagkakaabalahan mo ngayon hanggang sa ma-bankrupt ito.


Samantala, kabaligtaran ang ibig sabihin ng galit na galit ka sa kapitbahay mo dahil siya ang pinagbintangan mo na nagnakaw sa inyo. Ito ay nagpapahiwatig na hindi kailanman magagawa ng kapitbahay mo ang ibinibintang mo sa kanya. Sa halip, magiging mabait siyang kapitbahay na nakahandang tumulong sa iyo kung kinakailangan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page