Niloko ng bff, kabaligtaran ang pahiwatig
Updated: Aug 4, 2022
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 30, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolando ng Pasay.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na niloko ako ng matalik kong kaibigan na pinagkatiwalaan ko ng aking mga lihim sa buhay. Labis akong nagtiwala sa kanya dahil sa pag-aakalang tapat siya sa akin, pero lolokohin niya lang pala ako. Sobrang lungkot ko dahil sa ginawa niya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rolando
Sa iyo, Rolando,
Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na niloko ka ng matalik mong kaibigan dahil ito ay nagpapahiwatig na kailanman ay hindi ka niya lolokohin. Mananatili siyang tapat sa iyo habambuhay at maaasahan mo siya sa lahat ng sandali. Gayundin, handa siyang damayan ka sa panahon ng iyong kagipitan.
Samantala, ang ibig sabihin ng labis kang nalungkot dahil sa ginawa niya ay magiging masaya ka sa darating na mga araw. Matatapos na ang mga kalungkutan mo at mapapalitan na ito ng kaligayahan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments