New Zealand, nagbigay ng P64-M sa ‘Pinas para sa laban kontra COVID-19
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 22, 2020

Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbigay ng P64 million ang
pamahalaan ng New Zealand sa Pilipinas upang magamit sa laban kontra-Covid 19 pandemic.
Ayon sa DFA, ang International Organization for Migration (IOM) ang magpapamahagi ng tulong at uunahin ang mga lugar na mas apektado ng pandemiya katulad ng Mindanao.
Nagpasalamat din si Ambassador Peter Francis Tavita Kell sa pagpapauwi sa mga New Zealand nationals nang magpatupad ng quarantine measures ang ‘Pinas.
Saad ng DFA, "Ambassador Kell conveyed New Zealand’s support for the Philippine government’s measures to contain the health emergency."





Comments