Special election, ipinatitigil ng Negros solon
- BULGAR
- Nov 8, 2023
- 1 min read
Updated: Nov 9, 2023
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 8, 2023

Hinimok ni Negros Oriental 2nd District Rep. Manuel Sagarbarria ang Comelec na itigil muna at suriing muli ang special elections para sa bakanteng puwesto sa ika-3 distrito ng lalawigan.
Sa pamamagitan ng Resolution No. 10945 ng Comelec, na may petsang Agosto 30, 2023, itinakda ang petsa ng special elections sa Disyembre 9, 2023.
Noong Martes, ika-7 ng Nobyembre, nag-akda si Sagarbarria ng House Resolution (HR) No. 1431, kung saan inilahad niya ang pangamba sa pagpapalakad ng special elections sa ika-3 distrito ng Negros Oriental.
Aniya, "At this time and under the present circumstances may have a negative impact on the peace and order situation not only in the district but also in the surrounding areas in the province."
Tinukoy rin ni Sagarbarria sa HR No. 1431 na pinagtutuunan ng pansin ng Comelec ang mga disqualification cases laban sa mga kamakailang nanalong kandidato sa Barangay and Sanggunian Kabataan Elections (BSKE).
Binasa at pinagtibay naman ng House of Representatives ang resolusyon sa plenary session.
Comentários