NEDA, ginamit sa scam
ni Mary Gutierrez Almirañez | May 09, 2021

Nagbabala sa publiko ang National Economic and Development Authority (NEDA) hinggil sa swindler na nagpapanggap bilang si Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua para lamang makapag-solicit ng pera online gamit ang pekeng email account.
Anila, "NEDA does not engage in solicitation of cryptocurrencies and related requests for digital payments. We are monitoring such incidents and will report to authorities.”
Sa ngayon ay laganap pa rin ang online scam at bank hacking, kaya patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon at maging mapanuri kung legit o scammer ang katransaksiyon.





Comments