NBI-Main Clearance Center, 3-araw suspendido
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 22, 2020

Nag-anunsiyo ang National Bureau of Investigation (NBI) Main Clearance Center, ng tatlong araw na suspensyon ng kanilang clearance operation upang mabigyang-daan ang disinfection ng kanilang mga pasilidad.
Suspendido muna ang operasyon at serbisyo ng NBI-Main Clearance Center sa U.N. Avenue, Ermita, Manila, dahil sa isasagawang disinfection sa lahat ng kanilang pasilidad mula July 22 hanggang July 24.
Gayunman, babalik ang operasyon ng NBI-Main Clearance Center sa Lunes, July 27.
Pinapayuhan din ang mga aplikanteng naka-schedule sa mga naturang araw na magpunta sa pinakamalapit nilang Satellite Office.





Comments