NBA, naglabas na ng 7-day exhibition games ng 22 teams
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni ATD - @Sports | July 7, 2020

Hindi na maaawat ang pagbabalik laro sa 2019-20 NBA season dahil naglabas na rin ng iskedyul para sa 7-day exhibition games.
Ang nasabing event ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng injury ng mga players, ikakasa muna ang exhibition games ng 22 teams bago pakawalan ang restart ng 2019-20 NBA season sa darating na Hulyo 30 na gaganapin sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.
May tigatlong laro ang bawat teams at magsisimula ang kanilang exhibition sa Hulyo 22, kung saan sasalang ang Los Angeles Clippers laban sa Orlando Magic.
Trending na malaki ang tsansang sumikwat ng titulo ang mga teams mula sa Western Conference na Los Angeles Lakers at Clippers at nangunguna sa Eastern Conference na Milwaukee Bucks.
Hindi naman pabor ang ibang players na ibalik ang mga natitirang laro sa NBA tulad ni Kyrie Irving na may injury.
Nahinto ang banatan sa NBA dahil sa pamiminsala ng COVID-19, maging ang lahat ng sporting events sa buong mundo ay natigil.





Comments