National ID holders may ayuda, fake news, ingat!
- BULGAR
- Aug 31, 2024
- 1 min read
by Info @Editorial | August 31, 2024

Ang mga online scams ay hindi na bago sa ating bansa, ngunit ang paggamit ng National ID bilang pain ay isang nakakatakot na estratehiya.
May mga post ngayon na kumakalat sa social media na nagbibigay umano ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng P5,000 na tulong pinansyal sa mga National ID holders.
Kinumpirma naman ng ahensya na ito ay fake news at wala umano itong kaugnayan sa kanila.
Hinimok ng PSA ang publiko na maging maingat at iwasang mabiktima ng mga naturang scam.
Nilinaw din ng ahensya na ang anumang mga benepisyo mula sa pamahalaan ay ibinibigay base sa mga panuntunan at regulasyon ng mga ahensya.
Bilang mga mamamayan, tungkulin nating protektahan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng internet.
Huwag magpadala sa mga pangako ng mabilisang kita o tulong pinansyal, at laging suriin ang pinagmulan ng impormasyon.
Kung mayroon mang kahina-hinala, mas mainam na agad itong i-report sa mga otoridad upang maiwasan ang pagkalat ng panloloko.
Sa mga scammer, hindi magtatagal ang inyong panlilinlang. Darating ang araw na ang inyong mga kasalanan ay sisingilin ng hustisya.
Maaaring makaligtas kayo ngayon, ngunit ang katotohanan ay laging lulutang.
Sa halip na maging bahagi ng problema, maging bahagi kayo ng solusyon.
Ang pagnanais ng magandang buhay ay hindi masama, ngunit dapat itong makamit sa marangal na paraan.






Comments