Nasunog ang bahay at walang naisalba, kabaligtaran ang pahiwatig
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 19, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ligaya ng Marinduque.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nasunog ang bahay namin, tapos wala akong nailigtas na kahit anong gamit, pero nagpasalamat ako dahil buhay pa rin ako dahil nakalabas ako ng bahay bago lumaki ang sunog. Tapos nabalitaan ito ng best friend ko, kaya nagpadala siya ng iba't ibang mga bagay na makakatulong sa akin at araw-araw ay nakakatanggap ako ng mga bundle of gifts mula sa kanya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ligaya
Sa iyo, Ligaya,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nasunog ang bahay mo dahil kabaligtaran ang kahulugan nito. Ibig sabihin, may surpresang darating sa buhay mo kung saan makakatanggap ka ng napakalaking pagpapala. Ikagugulat mo ito dahil hindi mo sukat akalain na susuwertehin ka bigla.
Samantala, ang bundle of gifts mula sa matalik mong kaibigan ay nangangahulugang makakatanggap ka ng tawag mula sa best friend mo. May maganda siyang ibabalita sa iyo na makakatulong upang lalo pang umunlad ang iyong kabuhayan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments