top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Naputol at nagkabilog na heart line, tanda na mabibigo muna bago magkaroon ng maligayang love life

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| September 6, 2020




KATANUNGAN

  1. Matagal na kaming mag-on ng girlfriend ko, pero dahil wala naman akong permanenteng trabaho ay hindi ko siya mapangakuan ng kasal, hanggang sa mabalitaan kong bigla na lang siyang sumama sa ibang lalaki at ang lalaking ‘yun ay kaibigan ko pa.

  2. Alam ko kung bakit nagawa niya sa akin ito—wala akong trabaho at pera. Mapera kasi ‘yung kaibigan kong sinamahan niya at sa ngayon, ang balita ko ay malapit na silang ikasal.

  3. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa ba kaming magkabalikan o tuluyan na siyang mawawala sa akin? Gayundin, matutuloy ba ang kasal nila?

  4. Kung tuluyan na siyang mawawala sa akin, kailan ulit ako magkaka-girlfriend at kung sakali, siya na ba ang aking mapapangasawa? Ano ang kanyang zodiac sign?

KASAGUTAN

  1. Tama lang na kalimutan mo na ang ex mong sumama sa ibang lalaki. Ito rin naman ang nais sabihin ng naputol at nagkabilog na unang bahagi ng Heart Line (Drawing At a. B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tulad ng nangyari na at mangyayari pa, bago ka tuluyang lumigaya sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, luluha ka muna sa kaibiguang matatamo tulad ng relasyong matagal mong iningatan, ngunit sa wala at pagkabigo rin pala mauuwi.

  2. Gayunman, hindi ka dapat malungkot o labis na manghinayang, sapagkat may ikalawang mas maganda at mas okey na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na sumulpot sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ikalawang pag-ibig, maaaring sa pagkakataong ito ay hindi na mukhang salapi ang magiging girlfriend mo. Bagkus, siya ay ka-level ng iyong pamilya, hindi masyadong mayaman at hindi rin naman kahirapan ang buhay at tiyak ang magaganap, isang tunay at panghabambuhay nang relasyon ang magpapaligaya sa iyo habambuhay.

  3. Ang pag-aanalisang liligaya ka sa ikalawang pag-ibig ay madali namang kinumpirma ng gumanda at naayos ding Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa gitna hanggang dulong bahagi ng kaliwa at kanan mong palad. Tanda na pagkatapos ng matinding kabiguan sa pag-ibig, may ligaya ring dulot sa dakong huli ang iyong makakamit.

MGA DAPAT GAWIN

  1. James, bagama’t magiging maayos na ang susunod mong pakikipagrelasyon, hindi ka dapat manatiling walang trabaho. Sa halip, ‘wag kang tumulad sa ibang istambay na hindi nagsisikap. Kailangang magsikap ka upang umunlad at mabigyan ng magandang buhay ang bubuuin mong pamilya sa hinaharap at mapag-aral mo sa kolehiyo ang iyong magiging anak.

  2. Kaya tulad ng nasabi na, simulan mong magsikap at magpakasipag ngayon, alang-alang sa susunod na babaeng mamahalin mo at pakakasalan. Ayon sa iyong mga datos, ang nasabing babae na siyang makakasama mo sa pagbuo ng simple pero masayang pamilya ay nakatakdang dumating sa 2021, sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre, sa edad mong 29 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page