top of page
Search
  • BULGAR

Nanood ng boxing, babala ng pagkalugi sa negosyo

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 15, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorens ng Olongapo.


Dear Maestra,


Magandang araw sa iyo.


Napanaginipan ko na pumunta ako sa sports arena sa aming probinsya at nanood ako ng boxing. Tapos, nanood ako ng nagbo-bowling at nagustuhan ko, kaya naglaro na rin ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorens



Sa iyo, Lorens,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nanood ka ng boxing dahil ito ay nangangahulugan ng pagkalugi sa negosyo. ‘Yun namang nanood ka ng bowling, ito ay may kaugnayan sa iyong mga kaibigan, kung saan masasangkot sa malaking gulo ang mga kaibigan mong ito.


Samantala, ang sabi mo ay ikaw naman ang naglaro ng bowling. Ito ay nangangahulugan na dadaan ka sa matinding paghihirap sa darating na mga araw. Dahil dito, maging matatag ka sa mga pagsubok sa buhay at huwag kang susuko. Kumapit ka lang sa Diyos.


Sa panahon ngayon, tatag ng kalooban ang nararapat. Huwag kang mabahala dahil lahat ng bagay sa mundo ay dadaan at lilipas.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page