top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nanonood ng horror movie pero ‘di natatakot

BULGAR
Mar 19, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 19, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Giovanni ng Davao City.


Dear Maestra,

Isa ako sa maraming tagahanga ng inyong kolum at araw-araw ko itong sinusubaybayan. Gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nanonood ako ng movie sa isang sikat na theater dito sa aming lugar. Horror ang palabas at nakakatakot talaga, pero nasisiyahan akong manood. Hindi ako natatakot, sa halip ay enjoy na enjoy pa ako sa panonood.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Giovanni


Sa iyo, Giovanni,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nanonood ka ng movie sa isang sikat na theater sa lugar n’yo ay kaligayahan sa tahanan sa piling ng mga mahal mo sa buhay at mga kaibigan.


Samantala, ang horror movie naman na pinanonood mo, nakakatakot pero hindi ka natakot, ito ay nagpapahiwatig na sobra ang tiwala mo sa iyong mga kaibigan.


Gayunman, dapat kang mag-ingat ng pakikitungo sa kanila dahil hindi ka dapat magtiwala sa kanila. Isa sa kanila ay may lihim na inggit sa iyo at may binabalak siyang hindi maganda. Gagawin niya ang lahat upang pabagsakin ka at hindi siya titigil hangga’t hindi ka niya nadadaig.


Dahil dito, talasan mo ang iyong isipan, maging mapagmasid ka sa kapaligiran, bawasan ang sobrang tiwala sa mga kaibigan. ‘Ika nga, lahat ng bagay na sobra ay masama. Magdudulot ito ng hindi maganda sa iyong pagkatao.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page