top of page

Nangolekta ng high-end cars… WISH NI JOMARI, HILIG NIYA SA MOTORSPORT, MANAHIN NI ANDRE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 2, 2025



Photo: Jomari Yllana - IG


Halata namang very passionate si Jomari Yllana sa kanyang motorsport hobby.

In fact, halos hindi na nga ito hobby dahil gaya nga ng kanyang sinabi before, parte na ito ng kanyang buhay.


Ang feeling nga namin, mas pipiliin talaga niya ang naturang sport kumpara sa public service.


Sa tatlong leg ng collab nila ng Okada Manila, itong May 4 ang mauuna sa Parañaque City. 


Aniya, “For some reasons, importante sa amin ang lugar na ito dahil bukod sa resident kami ru’n, we want to have that ‘homey’ vibe para sa mga susunod na events, para lang din kaming namamahay.”


Although high-end na matatawag ang motorsport sa bansa, malaki nga ang potential nito sa mga aspetong tourism at advocacy na ‘safe and responsible driving.’

Off the record na nga kung ilan na ang naging high-end cars ni Jom, pero more than those raw, ‘yung naibibigay nilang inspiration ang mas nakakapag-satisfy kay Jomari.


Wish nga lang niyang sana soon daw ay manahin ng kanyang anak na si Andre ang mas determined passion niya sa motorsport.


“Well, baka naman kapag nagkaanak na kayo ni Abby (Viduya) ay may lumabas na ‘junior’ mo, mapa-lalaki o babae man ‘yan,” tanong ng isang kapatid sa panulat.

“Puwede, why not?” ganting sagot ng champion racer.



“The best Jodi Sta. Maria horror movie,” sigaw ng mga nakapanood ng Untold na currently showing sa mga sinehan nationwide.


Ayon nga sa mga Jodinatics na katabi namin sa panonood ng movie, ibang-iba raw si Jodi sa Untold, kumpara sa mga nagawa na niyang Clarita, Maria, Leonora, Teresa (MLT), Apparition, na pawang may horror element.


Totoo naman, lalo’t hindi mo kayang kuwestiyunin ang husay mag-interpret ng role ni Jodi. Minamani-mani lang ni Jodi ‘yung pag-shift ng emotions from a very manipulative and scheming news reporter to being a loving daughter, to mixing her comedic skills to drama. 


Kaya nakapagtataka talagang hindi ito napili ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kumpara sa award-winning horror entry last MMFF, ‘di hamak na mas matino at mahusay ang pagkakagawa ng Untold.


Kuwela ang script at ang very updated mga batuhan ng linya rito. Hindi ka maliligaw kung isa ka sa mga boomers, Gen Z o millennial, etc.. Na-capture nito ang lahat ng audience.


Bongga rin ang story at talagang may ‘mata’ si Direk Derrick Cabrido sa mga ganitong tema ng movies.


Bongga rin ang SM theaters dahil bukod sa binabaan nila ang singil sa sine, may extra discount pa ang mga students na manonood basta dalhin lang daw ang mga “I.D.s” nila.


Sana nga ay panoorin ito ng mas maraming mga tao dahil masarap sumigaw, tumili, magulat at masindak nang may kasama o katabi ka sa sinehan. Hahaha!


Aminin po natin, mas may saysay ang isang horror flick kapag napapasaya tayo habang sumisigaw sa takot. 


Hindi gaya ng iba na nang-iinsulto na ng ating kamalayan, nanloloko pa sa pagkuwento. Hahaha!



NALOKA sa amin si Pops Fernandez nang tawagin namin siyang “Pambansang Hurado” ng mga singing contests.


Mula nga naman sa pagiging Concert Queen in the 80s-90s, ngayon ay puro pag-upo bilang hurado ang madalas niyang gawin.


Mula nang maging judge siya sa The World’s Best (TWB), nasundan ito ng mga stints niya sa Eat… Bulaga! (EB!) at ibang shows na hurado siya.


Tapos, nitong katatapos lang na Grand Resbak sa Tawag ng Tanghalan (TNT), at itong paparating na Masked Singer Pilipinas (MSP).


Sa Season 3 nga ng MSP, makakasama niya sina Janno Gibbs, Arthur Nery at Nadine Lustre, with Billy Crawford as host.


“This is an entirely different experience. Not that this is not so serious kumpara sa mga bardagulan sa ibang singing shows, but the seriousness in what they do is there. Talagang kinakarir din ang pagkanta ng mga contestants na kung tutuusin nga ay mas difficult dahil naka-maskara costume sila. Ang hirap kaya nu’n. 


“And yes, we as judges are also very serious sa paghula sa kung sino nga sila under their masks. Grabe nga ang kantiyawan namin,” kuwento pa ni Pops.

Ngayong May na ‘yan mapapanood sa TV5 on weekdays.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page