top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nangati ang balat dahil sa pantal at nanalamin

BULGAR
Mar 21, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 21, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo ay sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na tinubuan ako ng pantal at ang kati-kati, tapos parang pati mukha ko ay kumakati rin. Pumunta ako agad sa harap ng salamin at tiningnan ang aking mukha at buti na lang, wala namang pantal. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Cory


Sa iyo, Cory,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kumakati ang balat mo dahil tinubuan ng pantal ay kalungkutan at hindi magandang kalagayan sa kasalukuyan mong pamumuhay. Labis kang nalulungkot at hindi mo malaman ang gagawin upang kahit papaano ay gumanda ang kalagayan mo sa buhay.


Samantala, tungkol naman sa mukha mo na akala mo ay may pantal din kaya nanalamin ka upang makita ang iyong mukha, nagpapahiwatig ito na ang sikreto mo sa buhay na matagal nang iniingat-ingatan ay malalantad na. Malalaman na ng mga kaanak at kaibigan mo ang itinatago mong lihim. Dahil dito, humanda ka sa mga susunod na mangyayari. Gamitin mo ang diplomasya kaysa init ng ulo at kalooban. Iwasan mo ring magalit.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page