Nanay, nagtanong kung naka-score na… KRISTEL, NAGTAGO SA BANYO NU’NG HONEYMOON NILA NG MISTER NIYANG KOREANO
- BULGAR

- Jun 9
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | June 9, 2025
Photo: Kristel Fulgar - IG
Nagtago ang aktres-vlogger na si Kristel Fulgar sa banyo nu’ng honeymoon nila sa Italy ng kanyang mister na isang Korean na si Ha Su-hyuk.
Sa vlog, ibinulgar ni Kristel ang behind-the-scenes ng kanilang unang honeymoon night, kung saan sa halip na mag-cuddle time agad with her hubby, nagtago muna siya sa banyo.
“Actually, chumichika lang ako kasi kunwari may ginagawa ako rito sa banyo. Pero hinihintay ko lang din s’ya makatulog,” pabirong sabi ni Kristel habang naglalagay ng skincare.
Pahabol niya, “I’m shy! Kailangan ba talagang gawin ‘yun?”
Mapapansin sa vlog na tila kabado at may konting tension si Kristel, naka-cross arms pa siya habang naglalagay ng lotion.
“Bakit ngayon parang kailangan na? Tinatanong pa ako ng nanay ko, ‘Okay na ba? Naka-score na ba?’ Parang hinihintay na n’ya matapos akong pagbawalan ng ilang taon. Ngayon, atat na atat na,” nakakatuwang kuwento pa ng aktres-vlogger.
Hindi rin niya napigilang matawa nang mabasa ang label ng kanyang lotion.
Sey niya, “‘Come Closer’ ang ginamit ko. Mapapa-come closer sa ‘kin lalo! Hala, bhie!”
Pero kahit may halong takot at hiya, tila pinatatag ni Kristel ang loob niya.
Sabi niya sa sarili, “Kaya natin ‘to! Paano tayo bubuo ng pamilya kung hindi natin gagawin ‘to?”
Sa dulo ng clip, makikitang dahan-dahang sumilip si Kristel mula sa pinto ng CR at nang masigurong tulog na ang mister, agad siyang lumapit at nahiga sa tabi nito.
Bigla niyang sinabi, “Ligtas ako sa gabing ‘to.”
Hahahaha!
Well, sabi niya nga sa interbyu ni Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube (YT) nito na Toni Talks, virgin pa siya at lately lang din sila nag-kiss.
Abangan natin kung kailan niya ibabalita kung may mission accomplished ba sa kanilang honeymoon.
Sumobrang payat naman…
SHARON, KAMUKHA NA NI AI AI
NAGULAT na naman ang mga fans at netizens sa latest photos ni Megastar Sharon Cuneta na super-payat, lutang ang cheekbones, at fresh na fresh.
Sa dalawang magkasunod niyang posts sa Instagram (IG), mapapansin ang matinding pagbabago sa kanyang figure.
Suot ang eleganteng Filipiniana gown sa isang special event, caption niya, “At a special event tonight! No new movies or TV shows or concerts yet, but busy busy busy!? Sched’s still full!”
Sa isa pa niyang post na naka-casual outfit habang pauwi, agaw-pansin din ang kanyang slim figure na parang balik-teenager. Short hair era na rin siya sa bagong look niya.
Pero siyempre, hindi mawawala ang halu-halong reaksiyon ng mga netizens. May ilan na nagsasabing baka OA na raw ang kapayatan ni Ate Shawie at magmukha na siyang anorexic.
May mga nakapansin naman at nag-comment na parang kahulma na niya si Ai Ai delas Alas.
Pero, mas marami ang nagsasabing ‘fresh and slim’ si Shawie, at bumalik lang siya sa dati niyang ganda.
Puno ng papuri ang comment section ng kanyang post mula sa mga kapwa-celebrities.
Sey ni Jinkee Pacquiao, “Bagay na bagay Mare! Bumata ka.”
Ani naman ni Isabelle Daza, “Hot! (with matching fire emojis).”
Komento ni Rica Peralejo, “Ito ‘yung hairstyle na ipinagaya sa ‘kin ng nanay ko nu’ng maliit ako, Ate. Jack and Jill movie, Hahaha! Grabe, Ate, bakit ka umurong? Pabalik ka na sa aging.”
Kaya naman ang tanong ng bayan, ano’ng sikreto mo, Ate Shawie?










Comments