top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nanalo sa Lotto at maluho, kabaligtaran ang pahiwatig

BULGAR
Sep 30, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 30, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gregory ng Pasig City.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo.


Gusto kong ipaanalisa ang panaginip ko na sinuwerte ako. Tumama ako sa lotto, tapos napakayaman ko na at lahat ng luho ko sa buhay ay nae-enjoy ko. Nakabili rin ako ng napakagandang house and lot at brand new car. Pero may umakyat na magnanakaw sa bahay namin at kinuha lahat ng mahahalagang gamit, gayundin ang cash namin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Gregory


Sa iyo, Gregory,


Ang ibig sabihin ng tumama ka sa lotto ay mag-iingat ka sa pinagkakatiwalaan mong kaibigan. May posibilidad na lokohin ka niya sa binabalak mong negosyo at pati sa personal mong buhay ay makikialam siya.


Ang napakayaman mo na, lahat ng luho sa buhay ay nae-enjoy mo, kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito. Mawawalan ka ng mga ari-arian, posibleng maghirap ka at pati ang love life mo ay maaapektuhan din. Makakaranas ka rin ng panibugho at kawalang tiwala sa karelasyon mo.


Samantala, ang may umakyat na magnanakaw sa bahay n’yo at kinuha ang mga gamit pati ang pera n’yo ay hindi rin maganda ang kahulugan — pagkalugi sa negosyo at kawalan ng pagkakakitaan na may sapat na suweldo para sa pamilya mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page