top of page

Nambatac umiskor sa Bossing, unang kinuryente ang Bolts

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 29, 2024
  • 2 min read

ni Clyde Mariano @Sports | February 29, 2024




Pinatunayan ni Rey Nambatac na nagkamali ang Rain or Shine nang pakawalan siya kasama si franchise player James Yap at dinala ang kanyang bagong team Blackwater Bossing sa impresibong 96-93 panalo at biglang humina ang boltahe ng Meralco Bolts sa pagbubukas ng Second Conference Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City kahapon.


Umiskor si Nambatac ng 27 points, kasama ang huling apat na charities, 10 assists at 4 na rebounds sa 31:58 minutes sa court at dinala ang Bossing sa panalo at gantihan ang Bolts na tumalo sa kanila sa katatapos na Commissioner’s Cup.


 Naglaro ang dating NCAA standout sa Letran na taga-Cagayan de Oro at nakipagsanib-puwersa kina dating Talk ‘N Text Troy Rosario, Tyrone Hill at Michael Digregorio sa unang panalo ng Blackwater sa Meralco.


Hindi gaanong naka-iskor si Yap subalit ang kanyang presensiya at ni Nambatac ang nagpataas sa morale at fighting spirit ng Bossing. “Good start,” sabi ni coach Jeffrey Cariaso. “The acquisition of Yap and Nambatac gives the team something to look forward in our campaign in the All-Filipino Cup.” Pinakawalan sina Nambatac at Yap ng Rain or Shine coach ni Yeng Guiao kapalit ng young talents.


Ni-release ang 42 years old ex-UE Warriors mula  Escalante, Negros Occidental noong off season at si Nambatac, isang NCAA standout from Cagayan de Oro City ay binigay sa Blackwater kapalit sa first round draft pick sa 50th season.


Dinomina ng Blackwater ang laro lumamang sa 81-67 sa third quarter mula sa 72-59 bentahe. Hindi binitawan ng Bossing ang pamumuno sa kabila ng pag-aalburuto ng Meralco sa pangunguna ni dating Blackwater sharpshooter Allein Maliksi at Chris Newsome.


Umiskor si Maliksi ng 24 points at apat na rebounds at si Newsome ay 16 points, 7 rebounds at anim na assists. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page