Nalungkot dahil nalanta ang bulaklak, pahiwatig na ‘di matutupad ang pangarap
- BULGAR
- Mar 28, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 28, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Bataan.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko. Napanaginipan ko na maaga akong gumising, tapos pumunta ako agad sa aming garden para makita ang mga halaman ko kung namumulaklak na ang mga ito. Ngunit nalungkot ako dahil nalanta ang mga bulaklak, tapos may fog tuwing umaga, kaya siguro nalanta ang mga bulaklak dahil sa sobrang lamig.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gloria
Sa iyo, Gloria,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na lanta na ang mga bulaklak sa garden mo ay hindi mo matutupad ang iyong mga hiling. Malabong magkaroon ng katuparan ang mga minimithi mo sa buhay dahil may mga sagabal pa.
Samantala, ang ibig sabihin naman ng fog ay dapat kang mag-ingat at maging matalas ang pakiramdam dahil ang pakikipagrelasyon mo sa taong minamahal mo ay hindi pa gaanong matatag, kumbaga, tagilid pa ito. Mag-isip ka muna nang mabuti bago mahulog nang husto ang loob mo sa iyong karelasyon ngayon. Mahirap magsisi sa dakong huli.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments