Nakipagsuntukan, pahiwatig ng suwerte sa negosyo at love life
- BULGAR
- May 19, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 19, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolly ng Nueva Ecija.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko na nasangkot ako sa malaking gulo dahil napaaway kami ng barkada ko. Nakipagsuntukan ako sa mga kaaway namin. Buti na lang, bigla akong nagising. Nagulat ako dahil panay ang suntok ko sa unan ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rolly
Sa iyo, Rolly,
Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo. Magiging matagumpay ka sa pagnenegosyo at maging sa larangan ng pag-ibig ay magiging maligaya ka rin. Nangangahulugan ito na susuwertehin ka sa iyong karelasyon. Pagpapalain kayo at magiging masagana ang pagsasama n’yo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments