Nakatingin sa ikinakasal, paalala na tutukan ang mga plano sa buhay
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 26, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa simbahan ako at nakaluhod sa harap ng altar. Mayroong ikinakasal nu’n, pero hindi ko naman sila kilala. Gayunman, panay ang pagbati at papuri ko sa bride pagkatapos ng kasal.
Ano ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dexter
Sa iyo, Dexter,
Ang panaginip mo na nakaluhod ka sa altar at nakatanaw sa ikinakasal ay nagpapaalala na dapat mong bigyang-pansin ang iyong mga plano sa buhay upang ito ay maisakatuparan mo nang walang sagabal.
Samantala, ang ibig ipahiwatig ng binati mo ang bride kahit hindi mo naman siya kilala at panay ang papuri mo sa kanya ay magkakaroon ka ng mga kaibigan na tapat at maaasahan, gayundin, handa kang damayan sa panahon ng iyong kagipitan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments