top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakarating sa langit, pahiwatig na magiging masaya

BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 14, 2022


Analisahin natin ang panaginip ni Deogracias ng Pasig City.


Dear Maestra,


Gusto ko nang lumagay sa tahimik, kaya binabalak ko nang pakasalan ang dyowa ko. Sa palagay ko kasi ay kaya ko nang harapin ang buhay may asawa.


Napanaginipan ko na nakarating ako sa langit. Ang ganda-ganda ru’n at ang sarap ng pakiramdam ko, pero muli akong bumalik sa lupa at agad na pumasok sa bahay upang mamahinga. Tuwang-tuwa kong binalikan sa aking isipan ang mga nakita ko sa langit.

Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Deogracias



Sa iyo, Deogracias,


Napakaganda ng panaginip mo na nakarating ka na sa langit dahil ito ay nangangahulugan na ang buhay mo ay magiging masaya, ligtas sa anumang mabibigat na problema at ang kalusugan mo ay magiging maayos din.


Samantala, ang ibig ipahiwatig ng bumalik ka sa lupa, agad na pumasok sa bahay mo upang mamahinga at binalikan sa iyong isip ang nakita mo sa langit ay nagpapahiwatig ng kasaganaan at tagumpay sa kasalukuyan mong hanapbuhay, kung saan ikaw ay uunlad at yayaman.


Nangangahulugan din ito na matutuloy ang balak mong pagpapakasal sa dyowa mo. Magiging maligaya ka sa piling ng iyong mapapangasawa at magkakaroon kayo ng mga gifted children.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page