top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nakalutang sa kalawakan, nahulog sa ilog at kasabay lumangoy ang mga isda

BULGAR
Apr 18, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 18, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jetro ng Caloocan.


Dear Maestra,


Kumusta na kayo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nakalutang ako sa kalawakan at damang-dama ko ang hagupit ng hangin. Tapos bigla akong bumagsak sa ilog, pero hindi ako nasaktan, gayudin, lumutang ako sa ilog. Lumangoy din ako nang lumangoy kasabay ng mga isda ru’n.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?



Naghihintay,

Jetro


Sa iyo, Jetro,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakalutang ka sa kalawakan kasabay ang hagupit ng hangin ay nagpapaalala na kulang ka sa tamang desisyon. Hindi ka makapagdesisyon nang tama sa mga problemang dumarating sa iyong buhay. Naguguluhan ka at nawawala sa pokus.


Samantala, ‘yun namang nahulog ka sa ilog at lumutang ka rin, ito ay nagpapahiwatig na dapat mong isipin nang ilang beses, anuman ang binabalak mong gawin sa iyong buhay, lalo na kung may kinalaman ito sa paglalakbay sa ibayong-dagat o pangingibang-bansa para magtrabaho ru’n.


Ang mga isda naman na kasabay mong lumangoy sa ilog ay nangangahulugan ng bagong pagkakataon sa larangan ng negosyo. May darating na mga oportunidad tungkol sa balak mong pagbubukas ng bagong negosyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page