- BULGAR
Nakakita ng unggoy, senyales na may parating na pagkabigo
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 13, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Yolanda ng Alabang.
Dear Maestra,
Isang mapagpalang araw sa inyo. Tulad ng marami n’yong tagasubaybay, gusto ko ring magpaanalisa ng aking panaginip.
Napanaginipan ko na nakakita ako ng unggoy na nakaupo sa puno at nakatingin sa akin.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Yolanda
Sa iyo, Yolanda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng unggoy ay dapat mong ihanda ang iyong sarili sa hindi inaasahang pagkabigo dahil mabibigo ka sa gustong-gusto mong makamit.
Samantala, ang sabi mo ay nakaupo sa puno ang unggoy at nakatingin sa iyo, nagpapahiwatig ito na may parating na gulo sa buhay mo. Dahil dito, dapat mong isiping mabuti kung may nagawa kang hindi maganda sa nakalipas na mga araw. Kailangang maituwid at ilagay mo sa ayos ang mga pagkakamaling ito upang hindi lumala ang gulo na nagbabantang danasin mo sa darating na mga araw.
Pag-isipan mong mabuti ang bawat hakbang upang maiwasan ang pagkakamali sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna