Nakabili ng lupa at ipapakita sa bf
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 27, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rhodora ng Masbate.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang iyong pamilya at mga kasamahan sa Bulgar. Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na may nabili akong lupa. Maganda ang location at malaki rin ang space nito sa harapan, tapos naisipan kong ipakita ito sa dyowa ko. Nag-usap kami na isasama ko siya sa susunod kong pagpunta sa lupang nabili ko. Pumayag naman siya, subalit nang dumating ‘yung petsa na magkikita kami, na-late siya at ang tagal niyang dumating sa oras na pinag-usapan namin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rhodora
Sa iyo, Rhodora,
Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakabili ka ng lupa, maganda at malaki ang space sa harapan dahil ito ay nangangahulugan ng kayamanan at kalayaan sa iyong pamumuhay. Samantala, ang sabi mo ay gusto mong ipakita sa dyowa mo ang lupa at nagtakda kayo ng petsa para bisitahin ito, pero late siyang dumating. Ito ay nagpapahiwatig na ang dyowa mo ay cool and calculating in his action, ibig sabihin, hindi siya nag-aapura sa kanyang mga desisyon. Pinag-iisipan muna niyang mabuti ang kanyang pagpapasya kung ito ba ay tama o mali. Hindi rin siya malambing at romantiko.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments