Naka-granular lockdown dumami, tsk-tsk-tsk!
- BULGAR
- Jan 25, 2022
- 1 min read
@Editorial | January 25, 2022
Umabot na sa 900 lugar sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nakasailalim sa granular lockdown.
Nabatid na sa Cagayan, na dating walang granular lockdown ay nagkaroon ng 212 areas under restriction.
May 330 lugar sa Cordillera ang naka-lockdown, 233 naman sa Ilocos, 106 sa Metro Manila at 19 sa MIMAROPA.
Ayon pa sa Philippine National Police (PNP), 2,557 katao ang apektado ng granular lockdowns.
Binabantayan naman ang restricted areas ng 211 pulis at 443 force multipliers para matiyak ang seguridad, gayundin ang pagsunod ng mga apektado sa minimum health protocols.
Kapansin-pansing tumataas na rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga probinsiya, kaya kailangan mas higpitan ang pagpapatupad ng mga protocols.
Kaunting tiis muna kung napapabilang sa granular lockdown dahil ito lang ang paraan upang mas maiwasang kumalat pa ang virus sa ating komunidad.
Ang pakiusap lang sa ating kinauukulan, ipagpatuloy lang ang pagsuporta sa mga kababayang apektado.
Samantala, patuloy naman ang panawagan sa lahat na manatiling responsable at disiplinado.
Sa mga pasaway d’yan, utang na loob, magtino na kayo. Batid natin na nakakapagod at nakakasakal na ang sitwasyon, pero isipin na lang natin, paano pa kaya silang mga araw-araw na nagbubuwis ng buhay?



Comments