Naiwan ng bus at bagong damit
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 28, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosita ng Samar.
Dear Maestra,
Gusto kong magpaanalisa muli ng panaginip ko. Hanga ako sa galing n’yong mag-analisa ng panaginip dahil tama ang lahat ng sinabi n’yo sa panaginip na ipinadala ko sa inyo last month. Kaya heto na naman ako para magpaanalisa sa inyo.
Napanaginipan ko na may field trip kami ng mga officemate ko, tapos na-late ako sa meeting place kaya iniwan ako ng bus.
Ang ganda-ganda pa naman ng suot ko dahil bagong bili ito at kulay red. Nanghinayang ako dahil hindi ako nakasama sa field trip. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rosita
Sa iyo, Rosita,
Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na naiwan ka ng bus na sasakyan n’yo sa field trip dahil nagpapahiwatig ito na hindi ka maghihirap sa buhay. Ayos lang ang magiging kalagayan mo at may posibilidad na yumaman ka pa.
Samantala, kung nagkataon na hindi ka naiwan ng bus, nagpapahiwatig ito na magiging mahirap ang iyong pamumuhay. Hindi ka yayaman, anuman ang gawin mong pagsisikap.
Ang bagong damit naman na suot mo ay nangangahulugan ng paghihirap o pagdarahop sa buhay.
Pero dahil naiwan ka ng bus sa iyong panaginip, hindi na ito mangyayari pa. Dahil dito, ipanatag mo ang iyong kalooban. ‘Ika nga, think positive.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments