top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nahihiyang magladlad dahil takot itakwil ng magulang

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2023
1 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | April 26, 2023



Dear Sister Isabel,


Bilib ako sa inyo, kaya naisipan kong isangguni ang problema na matagal nang gumugulo sa isipan ko.

Isa akong lesbian ngunit walang maniniwala dahil babaeng-babae ang dating ko at napakaganda ko raw. Hindi nila alam ang katotohanang ako’y isang tomboy. At kahit ang mga magulang ko ay hindi ito alam dahil lumaki ako sa lola ko.

Nahihirapan akong itago ang pagkatao ko, Sister Isabel. Gusto kong magdamit ng panlalaki at harapin ang tunay na ako. Kaya lang, iniisip ko na baka hindi ako matanggap ng mga magulang ko at itakwil nila ako bilang anak, gayundin ang iba pa naming kamag-anak.

Ano ang dapat kong gawin para mailantad ko na ang tunay kong pagkatao at matanggap ito ng mga mahal ko sa buhay?


Nagpapasalamat, Bhot ng Cavite


Sa iyo, Bhot,


Sa panahon ngayon, tanggap na ng lipunan ang kalagayan mo, hindi gaya noon na talagang hindi gaanong matanggap ng lipunan ang mga bakla at tomboy.


Kaya naman, huwag mo nang pahirapan ang iyong sarili, kung talagang lesbian ka, karapatan mong ilantad ang tunay mong pagkatao. Maghinay-hinay ka lang upang hindi mabigla ang mga taong nakapaligid sa iyo. Sa ganyang diskarte, makalipas ang ilang araw, mauunawaan ka rin nila.


Sa palagay ko ay matatanggap din ‘yan ng mga magulang mo. Ang magulang ay magulang, kahit ano pa ang pagkukulang at katayuan ng anak, handa nila itong unawain, lalo na ngayong tanggap na ng lipunan ang pagiging tomboy at bakla ng isang tao. Muli, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, gawin mo na ang payo ko.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page