Nagwawalis sa bakuran at kinagat ng bulldog
- BULGAR
- Feb 14, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 14, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Vicky ng Intramuros, Manila.
Dear Maestra,
Tulad ng marami n’yong tagasubaybay, nais ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nagwawalis ako sa bakuran namin nang may bulldog na nakapasok sa bakuran at kinagat ako.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Vicky
Sa iyo, Vicky,
Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na nagwawalis ka sa bakuran n’yo ay dapat mong bigyan ng kaukulang pansin ang mga bagay na nagawa mo sa nakaraang mga araw.
Suriin mo kung saan ka nagkamali at ituwid mo ito sa lalong madaling panahon.
Samantala, ang bulldog naman ay nagpapahiwatig na ang matalik mong kaibigan na tingin mo ay hindi dapat pagkatiwalaan ay siya palang tunay at pinakamatapat mong kaibigan na nagmamalasakit sa iyo nang lubusan. Gayundin, siya ay handang tumulong sa lahat ng iyong mga pangangailangan. Huwag kang mag-atubili na hingin ang kanyang tulong sa oras ng kagipitan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments