top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagtatrabaho sa store, simbolo ng komportableng pamumuhay

BULGAR
Jun 18, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 17, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Davao.


Dear Maestra,

Napanagipan ko na nagtatrabaho ako sa isang store bilang warehouse man. Nag-overtime ako dahil sa dami ng trabaho na dapat tapusin at gabing-gabi na ako nakauwi. Paglabas sa store, ang daming bituin sa langit. Ang liwanag ng aking daraanan dahil sa nagkikislapang mga bituin na tumatanglaw sa akin habang ako ay naglalakad pauwi sa aming bahay.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Robert


Sa iyo, Robert,

Ang ibig sabihin ng nagtatrabaho ka sa store ay komportableng pamumuhay. Ang warehouse naman ay kasaganaan at kaligayahan ang ipinahihiwatig.

Gayunman, hindi mo nabanggit kung binata ka pa o may asawa na. Kung binata ka pa, ang warehouse ay nangangahulugan din na makakapag-asawa ka ng mayaman, napabibilang sa prominenteng pamilya at inirerespeto sa kanilang lugar.

Samantala, ang mga bituin na ubod ng liwanag at nagkikislapan ay nagpapahiwatig ng kaligayahan. Magiging masaya ka sa susunod na mga araw. Kung mas maliwanag kaysa normal ang kislap nito, mas ibayong kasiyahan ang mararamdaman mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page