top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagselos ang dyowa dahil binigyan ng alahas ng ex-gf

BULGAR
Mar 7, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 7, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni William ng Bacoor, Cavite.


Dear Maestra,


Nasisiyahan akong basahin ang column n’yo tungkol sa panaginip, kaya gusto ko ring magpaanalisa sa inyo ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nagselos ang dyowa ko dahil nakita niya na binigyan ako ng mga alahas ng dati kong girlfriend. Tinanggap ko ang mga alahas at binilang ko kung ilan ang mga ito.


Naghihintay,

William



Sa iyo, William,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagselos ang girlfriend mo dahil tinanggap mo ang nga alahas na bigay ng iyong ex-girlfriend ay pahiwatig na magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan. Gayunman, magiging mabuti ang resulta nito sa bandang huli.


Samantala, ang sabi mo ay isa-isa mong binilang ang mga alahas na ibinigay, ito naman ay nangangahulugan na paparating na ang suwerte sa buhay mo. Kayo ng girlfriend mo ay magkakaanak ng matatalino at malulusog na bata. Yayaman ka rin at magiging masaya ka sa napili mong trabaho.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page