Nagsalamin at nagsuklay, pahiwatig na mabubulgar ang sikreto
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 16, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Brenda ng Pasig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-apply ako sa isang factory na malapit sa lugar namin, tapos ang daming aplikante, iba’t iba ang mukha at lahi nila. Pumunta muna ako sa CR para magsalamin at suklayin ang buhok ko. Sa awa ng Diyos, natanggap naman ako sa trabahong ina-apply-an ko.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Brenda
Sa iyo, Brenda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-apply ka ng trabaho sa factory na malapit sa lugar n’yo at natanggap ka ay matatapos na ang financial worries mo. Kumbaga, mababayaran mo na ang mga utang mo.
‘Yun namang maraming aplikante na iba’t ibang mukha at lahi ay nangangahulugang magbabago na ang takbo ng buhay mo dahil sa bagong trabaho na natagpuan mo. Uunlad ka na at sasagana ang iyong buhay.
Samantala, ‘yung pumunta ka sa CR, nagsalamin at nagsuklay ay nagpapahiwatig na mabubulgar na ang sikreto na matagal mong itinago sa iyong pamilya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments