top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagpatayo ng dream house, pahiwatig ng masayang buhay may-asawa

BULGAR
Jul 10, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 10, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Job ng Catanduanes.


Dear Maestra,


Pangatlong beses ko nang sumangguni sa inyo tungkol sa panaginip ko. Labis akong nasiyahan sa pag-aanalisa n’yo, kaya heto na naman ako para muling magpaanalisa ng panaginip.


Napanaginipan ko na nakabili ako ng lupa at agad ko itong pinatayuan ng dream house ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Job



Sa iyo, Job,


Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo na nakabili ka ng lupa dahil ito ay nangangahulugan ng kayamanan at pagiging malaya mo sa buhay. Yayaman ka na at mamumuhay nang walang nakikialam. Gayundin, malaya mong magagawa ang anumang gusto mo nang walang kumokontra sa iyo.


Samantala, ang ibig sabihin ng pinatayuan mo agad ng iyong dream house ang nabili mong lupa ay tagumpay sa negosyo. Ito rin ay nagpapahiwatig na malapit ka nang mag-asawa. Gayundin, magiging masaya, masagana at matagumpay ang iyong buhay may-asawa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page