top of page

Nagpakasal sa iba ang mister, puwedeng magkatotoo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 4, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Jacob na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Napakalinaw ng panaginip ko na nagpakasal sa ibang babae ‘yung asawa ko.


Madaling-araw ko ‘yun napanaginipan, pero hindi ko naman nakita na ikinakasal sila. Sinabi lang sa ‘kin nu’ng babae na nagpakasal sila at ilang araw ko raw siyang hinahanap. Ma-pera raw ‘yung babae. Magkakatotoo ba ‘yun?


Naghihintay,

Jacob


Sa iyo Jacob,


Wala kang napanaginipan na kasalan. Ang malinaw ay sinabi lang pala sa iyo ng babae na siya ay ikinasal sa asawa mo. Sa biglang tingin, mukhang naniwala ka sa babae, pero bakit nga ba mukhang naniwala ka? Ito ay dahil sa katotohanang kayo ng asawa mo ay mahirap at isa sa sumasagi sa isip mo ay puwede pang mag-asawa ang mister mo at payag ka kapag mayaman ang babae.


Kaya puwedeng magkatotoo ang panaginip mo dahil mukhang payag ka.


Nakakatakot ang ganu’ng pangyayari dahil puwedeng tuluyan nang mawala sa iyo ang asawa mo. Kaya ang payo, sa susunod na hihiling ka, dapat ay mas malinaw o magpaliwanag ka kung ano talaga ang gusto mong wish.


Ganito ang puwede mong maging hiling, babaeng mayaman, pero matanda na, mabait at tanggap ka.


Mas okey ito kaysa sa simpleng wish na nasa malalim mong kamalayan na payag ka na mag-asawa ng ibang babae ang mister basta mayaman ang babae.


Muli, delikado ang ganu’ng hiling, kaya ang madalas na payo ay “Think twice before making a wish.”

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page