top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Naglaba ng damit ng mga kapatid, pahiwatig na magsasakripisyo para sa pamilya

BULGAR
Jul 18, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 18, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joanne ng Zambales.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, hindi lamang ngayon kundi magpakailanman. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko dahil hangang-hanga ako sa pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip.


Napanaginipan ko na naglalaba ako, pero hindi sa akin ang mga damit kundi sa mga kapatid ko. Pagkatapos kong maglaba ay naligo naman ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joanne


Sa iyo, Joanne,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalaba ka ng damit na hindi naman sa iyo kundi sa mga kapatid mo ay daranas ka ng maraming sakripisyo, hindi dahil sa sarili mong buhay kundi dahil sa pamilya mo na patuloy na umaasa sa iyong pagkalinga.


Samantala, ang ibig sabihin ng naligo ka matapos maglaba ay labis kang nag-aalala sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari dahil iniisip mo agad ang kahihinatnan nito.

Dahil d’yan, ipanatag mo ang iyong isipan. Iwasan mong guluhin ang iyong isip sa mga bagay na hindi pa dumarating.


‘Ika nga, take care of today’s problem and leave tomorrow in God’s hand.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page