top of page

Nagkalat na pekeng ID, gamit na gamit sa krimen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | September 12, 2025



Editorial


Sa kabila ng mahigpit na batas, talamak pa rin ang paggawa at bentahan ng pekeng ID — mula sa gobyerno hanggang sa pribadong sektor. 

Hindi mo na rin kailangang pumunta sa mga gumagawa dahil meron na rin online, grabe!


Ang masama, hindi lang ito simpleng panloloko. Malaking pera ang nawawala sa gobyerno — bilyones. Naaabuso ang benepisyo, naaagrabyado ang tunay na nangangailangan.


May mga nahuhuli, oo. Pero tuloy pa rin ang negosyo dahil mabagal umano ang proseso ng lehitimong ID, kulang sa enforcement, at kulang sa kaalaman ang publiko. Mas madali pa raw kumuha ng fake kaysa sa tunay.


Kaya dapat pabilisin ang paglalabas ng totoong ID. Gawing real-time ang pag-verify nito.


Mahalaga rin ang non-stop na operasyon laban sa mga gumagawa at nagbebenta ng fake IDs.


Gayundin, turuan ang publiko kung paano umiwas sa maling gawain, huwag tangkilikin ang mga ilegal.


Ang ID ay simbolo ng tiwala at pagkakakilanlan. Huwag nating hayaan itong gawing negosyo ng pandaraya na ang masaklap, ginagamit din sa iba't ibang krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page