top of page

Nagka-tigdas at mapait na gamot

  • BULGAR
  • Jun 6, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 6, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Pampanga.


Dear Maestra,


Sumaiyo nawa ang pagpapala ng Dakilang Bathala. Tagahanga ako ng kolum n’yo at ito agad ang binabasa ko kapag bumibili ako ng BULGAR.


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na tinubuan ako ng tigdas at kumalat ito sa buong katawan ko. Uminom ako ng gamot para mawala ang tigdas at sobrang pait ng gamot na ininom ko.


Ano ang kahulugan nito?


Naghihintay,

Gerry


Sa iyo, Gerry,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na tinubuan ka ng tigdas sa buong katawan. Ito ay nangangahulugan na may maganda kang kalusugan, matibay na pangangatawan at may posibilidad na madagdagan ang iyong kabuhayan. Gayundin, susuwertehin ka sa pangangalakal. May grasya kang matatanggap at galing ito sa kaibigan mo na hindi mo inaasahang tutulong sa iyo at bibigyan ka niya ng karagdagang puhunan sa negosyong pinagkakaabalahan mo sa kasalukuyan.


Samantala, ang ibig sabihin ng mapait na gamot na ininom mo ay makakaranas ka ng pagkainis at hindi magandang pakiramdam dulot ng mga taong may lihim na inggit sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page