top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nag-positive sa COVID sa buong mundo, 300 milyon na

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
1 min read

@Editorial | January 09, 2022



Pumalo na sa 300 milyong katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.


Kabilang dito ang halos tatlong milyong naitala sa ating bansa.


Isa umano sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ay ang Omicron variant.


Nabatid na sa nakalipas na pitong araw, 34 bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.


Umabot sa 13.5 milyon ang nadagdag sa talaan sa nakalipas na linggo lamang. Nangangahulugan ito ng pagtaas ng 64 percent.


Kaugnay nito, nagbabala si World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi dapat tratuhing mild ang Omicron dahil marami na ang naoospital at namamatay.


Sa kabila ng mga paalala at babala, sadyang may mga pasaway pa rin. Tulad sa ilang barangay sa Metro Manila, kahit sinasabing bawal lumabas para gumala o tumambay, may matitigas pa rin ang ulo.


May iba na feeling safe na dahil bakunado, gala rito, pasyal doon.


Habang may iba namang hindi na nga vaccinated, todo rin sa paglalakwatsa.


Kaya malaking hamon sa mga awtoridad kung paano makokontrol ang sitwasyon.


Kahit sinasabing bawal lumabas, sadyang may mga nakalulusot pa rin.


At paalala rin sa lahat, bakunado man o hindi, palaging mag-ingat. Kung wala namang importanteng gagawin sa labas, manahimik na lang sa loob ng bahay.


Mahirap nang magsisi sa huli, alam n’yo na ‘yan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page