Nag-enjoy sa pakikinig ng music, pahiwatig na pakakasalan ang gf
- BULGAR
- Feb 9, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 09, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Nestor ng Laguna.
Dear Maestra,
Nasisiyahan akong basahin ang kolum mo tungkol sa panaginip. ‘Yung iba kasi ay katulad ng panaginip ko, pero siyempre, gusto ko rin namang ako mismo ang sumangguni sa iyo.
Napanaginipan kong sarap na sarap akong makinig ng mga paborito kong awitin, pero bigla akong nalungkot at nangulila dahil naalala ko ‘yung parents ko na malaon nang namayapa.
Ulila na akong lubos. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Nestor
Sa iyo, Nestor,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nakikinig ka ng music at sarap na sarap ka sa pakikinig dahil ito ay nangangahulugan na pakakasalan mo ang iyong karelasyon ngayon.
Magiging masaya ang inyong kasal kung saan pati ang mga kaibigan n’yo ay magiging masaya, kasama ng iba pang panauhin.
Samantala, ang sabi mo ay bigla kang nalungkot at nangulila nang maalala mo ang parents mo na yumao na. Gayunman, kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito. Ito ay nangangahulugan ng kasaganaan, kaligayahan, kapanatagan sa buhay, kalusugan ng katawan at katuparan ng lahat ng iyong minimithi, na malapit nang mapasaiyo sa darating na mga araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments