top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Na-out of balance sa stage… P-Duterte, okay ang kalusugan — Malacañang

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 14, 2021
1 min read

ni Lolet Abania | June 14, 2021




Tiniyak sa publiko ng Malacañang na nasa mabuting kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na muntik maaksidente habang nasa podium sa naganap na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12.


“It was a simple misstep. The President was turning on the podium,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Lunes. “Medyo na-out of balance lang po, wala pong problema sa kalusugan,” dagdag ng kalihim.


Ang selebrasyon nu'ng Sabado ang ikalawang beses na pisikal na dumalo si Pangulong Duterte sa paggunita ng Araw ng Kalayaan simula nang siya ay maging presidente noong Hunyo 30, 2016.


Samantala, ang mandato ng Konstitusyon sa nakaupong Pangulo ay ibunyag o ipaalam sa publiko ang kondisyon ng kanyang kalusugan, kung siya ay mayroong malubhang karamdaman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page