top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Na-bash nang i-post sa socmed…JINKEE, IPINAGSIGAWANG REGALO LANG SA KANILA ANG HERMES NA BIKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 11, 2020




May sagot na si Jinkee Pacquiao sa mga nang-bash sa kanya nang i-post niya sa social media ang kanilang mga mamahaling Hermes bikes ni Sen. Manny Pacquiao.


Paliwanag ni Jinkee, regalo lang sa kanila ang mga mamahaling bikes. Wala sa intensiyon ni Jinkee ang mang-inggit at ipagyabang ang mamahalin nilang bisikleta. Nauso naman kasi ang bike ngayon kaya nai-post niya ito.


Sey naman ng iba, wrong timing ang pagdidispley ni Jinkee ng branded bikes kahit sabihin pang regalo lang 'yun sa kanila. May Covid pandemic ngayon. Maraming nawalan ng trabaho. Maraming nagugutom na kababayan natin.


Kaya nga pinatutsadahan siya ni Agot Isidro na insensitive. Hindi na raw niya inisip ang mga naghihirap na kababayan.


Pero kung wala sanang Covid pandemic ngayon at hindi bagsak ang ating ekonomiya, hindi masyadong mabibigyan ng pansin ang Hermes bikes ng mga Pacquiao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page