Search
  • BULGAR

Na-bash dahil sa classroom statement… KIM, UMAMING MUNTIK NANG LUMAYAS NG 'PINAS

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 29, 2020




Ibinahagi ng Kapamilya star na si Kim Chiu kung gaano siya ka-grateful na sa kabila ng sunud-sunod na aberya, controversies at pamba-bash na nangyari sa kanya ngayong 2020 ay nalampasan niya ang lahat at nananatiling matatag.


Bago pa man dumating ang pandemya dulot ng covid-19 ay nalagay na sa alanganin ang kanyang buhay dahil sa isang ambush incident.


Sa programa ni Judy Ann Santos, ang Paano Kita Mapasasalamatan, ay ikinuwento ni Kim ang tinamo niyang panlalait at pambibintang na gawa-gawa lang daw niya mismo ang pang-a-ambush sa kanya.


At ang next big issue na kinaharap niya ay nu'ng maglabas siya ng kanyang saloobin sa social media protest bunsod ng biglaang pagpapasara sa ABS-CBN dahil sa Cease and Desist Order (CDO) ng NTC.


Sobrang na-bash si Kim sa kanyang 'classroom statement' na naging dahilan ng kanyang depression. Naisip daw niya na mag-quit na lang sa showbiz at manirahan sa ibang bansa.


Pero may isang netizen ang nagpayo kay Kim na kesa malungkot at ma-depressed ay gawing positibo ang pagharap sa problema.


Ang name ng netizen na nagpadala ng open letter kay Kim sa social media ay si Adrian Crisanto, a Branding Officer. Siya ang nag-encourage kay Kim na make something positive sa mga negatibong sinasabi sa kanya.


And thus, the birth ng matagumpay na kanta ni Kim titled Bawal Lumabas na naging simula rin para maisip niya na gumawa ng merchandise out of her song.


In return, niregaluhan ni Kim si Adrian ng very symbolic na white headset. Kaya headset ang ibinigay ni Kim dahil "pinakinggan" daw niya ang advise ni Adrian. Kung hindi raw siya "nakinig" kay Adrian, eh, baka kung saan na siya napunta ngayon.


Tumpak.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.