Na-assign sa malayong lugar, pahiwatig ng sunod-sunod na pagbabago
- BULGAR
- Jun 16, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 16, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Batangas.
Dear Maestra,
Isa akong sundalo at kaka-graduate ko lang.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na bilang sundalo, na-assign ako sa malayong lugar? Liblib ang pook, pero mababait ang mga tao, gayundin, nakangiti ang bawat taong makasalubong ko. May nagbigay pa sa akin ng souvenir at bilang ganti, binigyan ko rin siya ng souvenir kinabukasan.
Naghihintay,
Gerry
Sa iyo, Gerry,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na na-assign ka sa malayong lugar bilang sundalo ay sunod-sunod na pagbabago sa buhay ang nakatakda mong maranasan.
Ang nginitian ka ng mga tao ay nagpapahiwatig ng mga suwerte at pagpapala sa iyong buhay. Samantala, ang ibig sabihin naman ng binigyan ka ng souvenir ay hindi inaasahang kaligayahan. May surpresang naghihintay sa iyo na talagang ikakagulat mo.
‘Yun namang ikaw mismo ang nagbigay ng souvenir bilang ganti ay nagpapahiwatig ng dagdag na pagpapala sa buhay mo, kung saan uunlad at yayaman ka, gayundin, dadami ang iyong mga kaibigan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments