top of page

Multa sa ilegal na pagtatapon ng basura, bantayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | September 17, 2025



Editorial


Ipatutupad na ang P5,000 multa sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa maling lugar. Layunin nitong linisin ang kapaligiran at disiplinahin ang mga tao. Pero makatarungan ba ito para sa lahat?


Hindi maitatanggi na seryoso ang problema sa basura. Kailangang may managot. Sa ganitong punto, makatuwiran ang mas mabigat na multa para matuto ang tao.


Gayunman, hindi maikakaila na mabigat din ang P5,000 para sa karaniwang mamamayan. Para sa minimum wage earner, halos kalahating buwang kita ito.


Kung ang layunin ay disiplina, baka sa iba, maging pahirap ito lalo na kung walang sapat na kaalaman o pasilidad para sa tamang pagtatapon.


Bukod pa rito, dapat bantayan ang maayos na pagpapatupad. Baka magamit lang ito sa pangongotong. Dapat malinaw, pantay, at makatarungan ang proseso.


Sa huli, tama lang na managot ang mga walang pakialam sa basura. Dahil sa pagiging pabaya, maraming buhay ang nalalagay sa alanganin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page