Mula 20% taripang ipapataw ng US sa 'Pinas, ibinaba sa 19%
- BULGAR
- 2 days ago
- 1 min read
by Info @Business News | July 23, 2025

Sinabi ni United State President Donald Trump na ibababa sa 19% ang iimpose nilang 20% tariff para sa mga produktong nanggagaling sa Pilipinas kasunod ng kanilang pag-uusap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos itong bumisita sa Washington.
"It was a beautiful visit, and we concluded our Trade Deal, whereby The Philippines is going OPEN MARKET with the United States, and ZERO Tariffs. The Philippines will pay a 19% tariff," ayon kay POTUS Trump.
Idinagdag din niya na bukod sa pagpapababa ng taripa, magtatrabaho rin ang dalawang pacific allies sa aspeto ng militar ngunit wala itong ibinigay na iba pang detalye tungkol dito.
Comments