Mukhang ate na raw ng aktor, 'di na bagay… BEA, INAYAWAN NG FANS PARA KAY ALDEN
- BULGAR

- Jul 28, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 28, 2020

Nagkasama lang sina Alden Richards at Bea Alonzo sa isang endorsement ay may humirit nang mga fans na pagtambalin sila sa isang pelikula tulad ng hit movie nina Alden at Kathryn Bernardo.
Mukhang may chemistry naman ang Alden-Bea tandem, lalo na't maganda ang love story at magaling ang kukuning direktor.
Pero umaapela-tumututol ang mga solid fans ni Alden. Hindi raw bagay si Bea bilang kapareha ng idolo nila dahil mas may-edad daw ang aktres at magmumukhang ate lang ng Asia's Multi-Media Star.
Baka raw hindi kiligin sa kanilang tambalan ang mga moviegoers. Kay John Lloyd Cruz lang daw uubra ang appeal ni Bea kaya 'wag nang ipilit pa ang Alden-Bea tandem!
Well, hindi naman mukhang manang na losyang si Bea. Kailangan lang niya ng konting makeover upang magmukhang bata at hindi na magiging alangan kay Alden.
Swak nga ang kanilang ginawang shampoo commercial. At makakabuti rin kay Alden kung makakatrabaho niya ang ibang aktres dahil marami siyang matututunan!





Comments