MSI CEO Sheng-Chang “Charles” Chiang, pumanaw na
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 8, 2020

Pumanaw sa edad na 56 ang CEO ng tech hardware company na Micro-Star International (MSI) na si Sheng-Chang “Charles” Chiang.
Ayon sa PC Gamer, namatay si Chiang sa pagkakahulog mula sa 7th floor ng building sa Zhonghe District sa Taipei. Sa ngayon ay wala pang nailalabas na detalye mula sa pagkamatay ni Chiang.
20 taon ng naglilingkod sa MSI si Chiang at naging CEO noong January 2019.
"Mr. Chiang was a respected leader in the MSI family, and helped pave the way for the brand’s success. We are all deeply saddened by the news, and are mourning the loss of Mr. Chiang. He will be deeply missed by the entire team," sabi ng MSI spokesperson.







Comments