top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mr. Mayor na taga-South...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2020
  • 2 min read

payag na may kahating babae sa puso ng guwapong lover na tauhan niya sa city hall, sinusuhulan na lang para shut up sa secret!

ni Chit Luna - @Yari Ka! | August 18, 2020


Denial king si Mayor, kahit pa obvious na mahinhin at sobrang sweet nito sa lahat ng tao na kanyang nakakasalamuha. Palaging ‘smiling face’ at never siyang nakitang nagalit ng mga tao.


Sobrang busy man niya sa pagiging ama ng kanyang bayan, lahat ng hirap ay kanyang titiisin at hindi iindahin dahil inspirado siya sa kanyang poging dyowa, na palagi rin niyang kasama sa city hall.


Pero sa kabila nito, lihim palang seloso ang ating bida. Palagi siyang nagseselos sa kanyang BF.


Ano ang dahilan? Well, tinulungan lang naman ng kanyang BF ang karelasyon nitong babae na makapasok sa city hall na ayon sa chika, pinayagan ito ni Mayor nang sa gayun ay mabakuran nito ang karibal.


Hindi lang ‘yan ang nakakalokah, nalaman ni Mayor na binilhan na nga ng bahay, ay binigyan pa ng negosyong ‘pa-lechon’ ng BF nito ang kanyang karibal! Ansabeeee?!

Inamin din naman ito kay Mayor, depensa ng dyowa ay ‘suhol’ ang katapat ng babaita para matanggap nitong may kahati siya kanyang puso. Suhol pa more!


Pero dahil sobrang na-hurt si Mayor, minabuti nitong alisin na ang lalaki sa puwesto bilang head ng departamentong may kinalaman sa negosyo at ginawa na lamang consultant para hindi makahalata ang mga utaw.


At ang GF ng poging dyowa ni Mayor? ‘Yun, untouchable! Sobrang ma-ere ang peg, feeling reyna ng city hall. Wow, ikinaganda mo ba ‘yan, ‘teh? Tse!


Ngayon ay kuntento si Mayor kahit pa may kahati ito sa kanyang kasintahan. Pero hindi man maganda ang timpla ng kanyang love life, maayos naman nitong napapatakbo ang siyudad na pinamumunuan niya.


Salamat daw sa kanyang city administration na iniingatan nang todo ang kaban ng kanilang bayan. Sa katunayan, ang multi-million umano nilang pagkakautang ay unti-unti nang nabayaran. Very good ka riyan, Mayor. Thumbs up, sa ‘yo!


Know n’yo na ba ang ating bidang alkalde? Clue? Well, ilang beses siyang pinataob ng kanyang kalaban sa pagka-mayor bago muling nakabalik sa puwesto. Sa kabila ng kanyang depekto, natutugunan niya nang bongga ang pangangilangan ng kanyang mga nasasakupan. ‘Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page