top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Motorcycle taxi, tulong kontra trapik

BULGAR
Aug 8, 2022
1 min read

@Editorial | August 8, 2022


Patuloy ang panawagan sa mga mambabatas na unahin ang panukalang batas na naglalayong gawing legal ang mga motorcycle taxi.


Bukod sa makapagbibigay ng trabaho, makatutulong pa umano sa mga commuters sa gitna ng sitwasyon sa transportasyon.


Una na ring nangako ang mga motorcycle taxi na magbibigay ng kinakailangang supply ng mga opsyon sa pampublikong sasakyan sa oras na may maliwanag na kakulangan dahil ang ilang mga operator at driver ay nagpasya na huminto sa pagmamaneho dahil sa serye ng malalaking pagtataas ng presyo ng langis.


Masasabing makatutulong ang nasabing panukala sa job generation program ng gobyerno nang hindi gagastos ng kahit ano habang pinalalawak ang tax base.


Kung magiging maayos ang kabuuan o ang legalisasyon ng motorcycle taxi, ang mga manggagawang nagko-commute ay makararating sa kanilang mga lugar ng trabaho nang mas mabilis, libu-libong riders ang magkakaroon ng trabaho at ang gobyerno ay tatanggap ng mga buwis mula sa lahat ng mga transaksyong ito.


Ang pakiusap lang natin, kung sakaling maging batas ito ay maging disiplinado at responsable ang lahat ng riders. Buhay ng angkas ang ipagkakatiwala sa atin, hindi ito biro. Marapat lang na maihatid natin sila nang maayos at ligtas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page