ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 21, 2024
Inaaral ng Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagdadagdag ng motorcycle lane upang bawasan ang problema sa trapiko sa EDSA.
Batay sa isang pag-aaral, humigit-kumulang na 170,000 motorsiklo ang gumagamit ng EDSA kada araw, ayon kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista.
Sinabi rin ni Bautista na nagkaroon na ang DOTr ng mga unang pakikipag-usap sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa pagkakaroon ng espesyal na linya para sa mga motorsiklo sa pangunahing kalsada.
Bukod dito, idinagdag niya na sa pagkakaroon ng motorcycle lane sa EDSA, layon din ng pamahalaan na tugunan ang ekonomikong gastusin sa trapiko.
Comments