top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Most wanted na rapist arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 13, 2023


BATANGAS—Isang most wanted na rapist ang naaresto mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Caloocan, Balayan sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Apolinario Pilit, 52, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page